Bridges, Williamson bumida sa U.S. team
CHICAGO -- Naging kapana-panabik ang pagsisimula ng 2020 NBA All-Star Weekend dito kahapon.
Kumamada si Miles Bridges ng 20 points at hinirang na MVP habang nagtala si Eric Paschall ng 23 markers para igiya ang U.S. team sa 151-131 pa-nalo laban sa World squad sa Rising Stars Challenge.
Nagpamalas ng kanyang husay ang second-year pro na si Bridges sa harap ng hometown ng kanyang boss na si Charlotte Hornets team owner Michael Jordan.
“We wanted to come out and play hard in the Rising Stars and show what Charlotte is about -- me, Devonte’ (Graham) and PJ (Washington) ” wika ni Bridges. “And that’s what we did. I didn’t have any extra motivation, really, I wouldn’t say that. But MJ putting Chicago on the map, it definitely plays a big part, though.”
Ang MVP trophy ay ibinigay kay Bridges ni Hall of Famer at Chicago product Isiah Thomas.
Umiskor si Cleveland Cavaliers guard Collin Sexton ng 21 points para sa US team habang may 18 at 16 markers sina Atlanta Hawks All-Star Trae Young at Chicago product Kendrick Nunn ng Miami Heat, ayon sa pagkakasunod.
Nag-ambag si top rookie Zion Williamson ng New Orleans Pelicans ng 14 points at nakasira ng rim sa isa niyang dunk.
Binanderahan naman ni RJ Barrett ng New York Knicks ang World squad sa kanyang 27 points at may 22 markers si Washington Wizards guard Brandon Clarke.
- Latest