Williamson isinalba ang Pelicans vs Trail Blazers

Zion Williamson
Chris Graythen/Getty Images North America/AFP

NEW ORLEANS - Humakot si top rookie Zion Williamson ng season-high na 31 points para tulungan ang Pelicans sa 138-117 pagpapabagsak sa Portland Trail Blazers.

Sumabak sa kanyang pang-siyam na NBA game, ginamit ni Williamson ang kanyang 6-foot-6, 285-pound frame para atakihin ang depensa ng Trail Blazers.

Nag-ambag si JJ Redick ng 20 points at may 17 mar­kers si Josh Hart para sa New Orleans na nakaba­ngon mula sa 16-point deficit sa first quarter para kunin ang ikatlong sunod na panalo.

Nalimitahan si Portland star Damian Lillard sa 20 points, mababa sa kanyang 42-point average sa una ni­yang 10 games sa panig ng Blazers.

Sa Houston, kumamada si James Harden ng 42 points at may 36 markers si Russell Westbrook para sa 116-105 panalo ng Rockets kasabay ng pagpigil sa se­ven-game winning streak ng Boston Celtics.

Ipinagpatuloy ng Houston ang kanilang small-ball line-up matapos i-trade si center Clint Capela noong na­­karaang linggo.

Sa Philadelphia, nagtala si Ben Simmons ng triple-double mula sa kanyang 26 points, 12 rebounds at 10 assists para banderahan ang 110-103 paggupo ng 76ers laban sa Los Angeles Clip­pers.

Sa Oklahoma City, nagtala si LaMarcus Aldridge ng 25 points at 14 rebounds para ihatid ang San Antonio Spurs sa 114-106 panalo sa Thunder.

Show comments