Clippers pinulbos ang Cavaliers

CLEVELAND – Umiskor si point guard Lou Williams ng 25 points para pam­unuan ang Los Ange­les Clippers sa 133-92 pagmasaker sa Cavaliers.

Ito ang pinakamasamang home loss ng Cleveland sa kanilang franchise history.

Ang una ay ang 39-point loss laban sa Chicago Bulls noong 2012.

Nagdagdag si Paul George ng 22 points at may 10 markers si Marcus Morris sa una niyang laro pa­ra sa Clippers, ipinahi­nga si star forward Kawhi Leo­nard.

Nanggaling ang Los Angeles sa 115-142 pagka­talo sa Minnesota Timberwolves noong Sabado.

Humakot naman si center Andre Drummond ng 19 points at 14 rebounds sa kan­yang debut game para sa Cavaliers.

Sa Portland, tumipa si Damian Lillard ng 33 points at may 22 markers si Gary Trent Jr. para tulungan ang Trail Blazers sa 115-109 paggupo sa Miami Heat.

Diniskaril ng Portland ang debut ni Andre Iguoda­la para sa Miami at tumapos na may 2 points.

Sa Houston, isinalpak ni Bojan Bogdanovic ang isang 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer para ilu­sot ang Utah Jazz kontra sa Rockets, 114-113.

Tumipa si Fil-Am Jordan Clarkson ng 30 points.

Show comments