Utah Jazz natakasan ang Blazers; Thunder pinatumba ang Pistons

Nag-unahan sa pag-dive sa bola sina Donovan Mitchell ng Jazz at Gary Trent Jr. ng Blazers.

SALT LAKE CITY -- Isinalpak ni Donovan Mit­chell ang kanyang go-ahead layup sa huling19.5 se­gundo para sa 117-114 pa­nalo ng Utah Jazz laban sa Portland Trail Blazers.

Sibukan ni Portland star guard Damian Lillard na sagutin ang basket ni Mitchell, ngunit sinupalpal ni Utah center Rudy Go­bert ang kanyang layup sa na­lalabing 11.2 segundo.

Sinasabing dapat ay ti­nawagan si Gobert ng goal­tending.

“We get to the last play of the game and they miss an easy call,” wika ni Lillard, may 42 points. “Then they tell us it’s a easy no call, like that’s obviously not a goaltend. It cost us the game, man.”

Tinapos ng Jazz ang ka­nilang five-game losing skid.

Tumipa si C.J. McCollum ng 27 points, habang may 16 at 11 markers sina Ga­ry Trent Jr. at Mario Hezonja, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Portland.

Sa Oklahoma City, umiskor si Chris Paul ng 22 points kasunod ang 21 markers ni Shai Gilgeous-Alexander para sa 108-101 panalo ng Thunder kontra sa Detroit Pistons.

Tumipa si guard Reggie Jackson ng season-high 28 points para sa unang laro ng Detroit matapos i-trade si center Andre Drummond sa Cleveland Cavaliers.

Sa Phoenix, humataw si Kelly Oubre ng career-high na 39 points para igiya ang Suns sa 127-91 panalo sa Houston Rockets.

Sa Indianapolis, huma­kot si Serge Ibaka ng 22 points at 10 rebounds at may 20 markers si Fred VanVleet sa 115-106 pag­gu­po ng Toronto Raptors sa India­na Pacers.

Show comments