Eala kinopo ang Australian Open Jrs. title nakatuwang si Nugroho sa doubles

Sina Alexandra Eala (kaliwa) at Priska Ma­delyn Nugroho ng In­do­nesia (kanan).

MANILA, Philippines — Muli na namang uma­ngat ang bandila ng Pilipinas sa isang world-class event matapos magreyna si Alexandra Eala sa girls’ doubles ng prestihiyosong 2020 Australian Open kahapon sa Melbourne Park sa Australia.

Nakatuwang ni Eala si In­donesian Priska Madelyn Nugroho kung saan hindi pinaporma ng dalawang Southeast Asian netters sina Ziva Falkner ng Slovenia at Matilda Mutavdzic ng Great Britain sa championship round, 6-1, 6-2.

Si Eala ang kauna-una­hang Pinay player at ikalawang Pinoy sa kabuuan na nagkampeon sa isang Grand Slam event.

Magugunitang pinagharian nina Francis Casey Al­cantara at Taiwanese partner Hsieh Cheng-Peng ang boys’ doubles event noong 2009 edisyon ng Aus­tralian Jrs. Open.

Nakapasok sa finals si­­na Eala at Nugroho matapos patalsikin sina top seeds Kamila Bartone ng Latvia at Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa se­mifinals sa iskor na 1-6, 7-5, 10-8 noong Huwebes.

Kabilang din sa mga pi­­nataob nina Eala at Nug­roho ay sina Elina Avanes­yan ng Russia at Liubov Kostenko ng Ukraine sa first round, 7-5, 4-6, 10-8; Ju­lie Belgraver ng France at Pia Lovric ng Slovenia sa second round, 6-2, 4-6, 11-9; at seventh seeds Au­bane Droguet at Selena Janicijevic ng France sa quar­terfinals, 7-6 (2), 6-2.

Magandang resbak ito kay Eala na maagang nasibak sa girls’ singles event.

Inaasahang aangat pa sa world rankings ang No. 8 na si Eala sa oras na maidagdag ang nalikom niyang puntos sa singles at doubles event sa Aus­tra­lian Jrs. Open.

Show comments