Dickel bagong coach ng Gilas

Gilas Pilipinas
FIBA.com

MANILA, Philippines — Pormal nang itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Mark Dickel bilang interim head coach ng Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan.

Si Dickel ay two-time Olympian at kasalukuyang consultant ng Talk ‘N Text KaTropa sa PBA.

Masusubukan ang abilidad ni Dickel sa pagsabak ng Gilas  kontra 2019 Southeast Asian Games silver medalist Thailand sa Peb­rero 20 sa Maynila at kontra naman sa Indonesia sa Pebrero 23 na gaganapin naman sa Britama Arena sa Jakarta, Indonesia.

“In his short stint in the Philippines, Coach Mark has performed creditably well,” ayon kay SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

Malalim ang karanasan ni Dickel na tinulungan ang KaTropa na makapasok sa playoffs sa tatlong sunod na kumperensiya noong nakaraang taon kabilang na ang pag-entra sa finals ng Commissioner’s Cup.

“We want to hit the ground running for the upcoming 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. We all know what he did to help TNT in such a short span and we’re confident he can also move things quickly as we prepare for the first window this February,” wika pa ni Pangilinan.

Pasok sa 24-man pool ng Gilas Pilipinas ang tatlong KaTropa members na sina RR Pogoy, Troy Rosario at Ray Parks.

Kasama rin sina Kiefer Ravena at Poy Erram ng NLEX, Christian Standhardinger ng NorthPort, Japeth Aguilar ng Ginebra, CJ Perez ng Columbian, Mac Belo ng Blackwater, at Matthew Wright ng Phoenix.

Bahagi rin sina PBA draftees Isaac Go, Matt, N­ieto, Mike Nieto, Rey Suerte at Allyn Bulanadi gayundin sina Justine Baltazar, Dave Ildefonso, Thirdy Ravena, Kobe Paras, Juan Gomez at Javi Gomez de Liaño, Jaydee Tungcab at Dwight Ramos.

Show comments