^

PSN Palaro

Perpetual Help teams humataw ng panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Perpetual Help teams humataw ng panalo
Naharang ni Jamille Carreon ng San Sebastian Lady Stags ang drop ball ni Jonah Rosal ng Perpetual Lady Altas sa aksyon sa NCAA Season 95.

MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang University of Perpetual Help System Dalta matapos kunin ang 29-31, 25-13, 25-20, 25-20 panalo laban sa San Sebatian College-Recoletos sa NCAA Season 95 women’s vol­ley­ball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nagsilbing lider si vete­ran outside hitter Bianca Tripoli sa matikas na ratsa­da ng Lady Altas nang humataw ng 17 points tampok ang 15 attacks para manduhan ang matikas na pagresbak ng Las Piñas-based squad.

Umangat sa 1-1 baraha ang Perpetual Help na una nang yumuko sa College of Saint Benilde sa ope­ning day.

Nakatuwang ni Tripoli si Jhona Rosal na umiskor ng 11 attacks at 3 aces, habang nagdagdag si Dana Per­sa ng 11 hits para sa La­dy Altas.

Nagtala naman si play-maker Jenny Gaviola ng 8 excellent sets at 8 points at may itinala namang 7 points ka­sama ang 3 blocks si Charina Scott.

Nanguna para sa Lady Stags si team captain Shannai Shane Requierme na umani ng 16 markers at 3 receptions, habang may 11 hits naman si Jamille Veronica Carreon.

Ngunit hindi ito sapat para tuluyang mahulog ang San Sebastián sa ika­lawang kabiguan.

Sa men’s division, namayani rin ang nagdedepensang Perpetual Help Altas kontra sa San Sebastian Stags, 25-18, 25-15, 25-21, para sumulong sa 2-0 baraha.

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with