Durham ‘di susukuan ang Meralco

MANILA, Philippines — Sa kabila ng 0-3 kabiguan ng Meralco sa kanilang pagtutuos ng Barangay Ginebra sa PBA Governor’s Cup Finals ay wala balak si Allen Durham na sumuko.

Determinado pa rin ang three-time PBA Best Import na basagin ang kamalasan ng Bolts sa mga kamay ng Gin Kings sa PBA Finals.

“We’ll go back to the gym, we’re gonna try our luck again, we’re gonna keep going until we get that breakthrough,” wika ng 6-foot-5 reinforcement.

Unang natalo si Durham at ang Meralco kontra sa Gi­nebra sa PBA Finals ng nasabing season-ending con­ference noong 2016 na nasundan noong 2017.

Ang Magnolia ang naghari noong 2018.

“I’m determined to win a championship with these guys. They’re grown to be my brothers, they deserve to get one, too,” ani Durham. “We’ll talk with management and stuff like that, obviously get some time pass.”

Show comments