NEW YORK -- Pinagmulta ng NBA si Golden State Warriors coach Steve Kerr ng $25,000 (halos P1.2 milyon) dahil sa paninigaw sa referee at kabiguang umalis ng court sa maayos na paraan matapos ang ejection.
Napatalsik si Kerr sa second quarter ng 98-111 road loss ng Warriors laban sa Sacramento Kings noong Lunes matapos ang magkasunod na itinawag sa kanyang technical fouls ni referee Jason Goldenberg.
Inireklamo ni Kerr ang isang continuation call na pumabor sa Kings at nagwala nang hindi makuha ang nasabing tawag sa panig ng Warriors.
Samantala, pinatawan ng NBA si Knicks forward-center Bobby Portis ng $25,000 (halos P1.2 milyon) dahil sa kanyang pagbangga sa nasa ereng si Los Angeles Lakers guard Kentavious Caldwell-Pope.
Tinawagan si Portis ng Flagrant Foul 2 at kaagad sinibak sa laro sa 117-87 panalo ng Lakers laban sa Knicks noong Martes.