^

PSN Palaro

Rizal Memorial Coliseum magagamit nang husto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magiging abala ang makasaysayang Rizal Memorial Coliseum ngayong ta­on.

Sinabi kahapon ni Ph­i­lip­pine Sports Commission chairman William Ramirez na ilang events ang naka­linya para sa paggamit ng RMC na kanilang ipina­ayos at pinaganda bago ang 30th Southeast Asian Games noong nakaraang taon.

“We are very optimistic. There are a lot of events lined up in our calendar and we are excited to host them here inside this historical co­liseum,” ani Ramirez.

Noong Hulyo sinimulan ang pagpapaayos at pag­papaganda sa mga pa­silidad sa Rizal Memorial Sports Complex, kasama ri­to ang RMC, bilang baha­gi ng masterplan ng sports agency.

Lima sa kabuuang 56 sports events ng 2019 SEA Games ay idinaos sa nasabing 93-year-old complex.

Ang gymnastics com­pe­titions ay ginawa sa RMC, isang 6,100 seating in­door arena, dating main sporting hub para sa mga laro ng University Athletic Association of the Philippines, National Collegiate Athletic Association at PBA.

Inaasahan ni Ramirez na babalik sa RMC ang na­sabing tatlong liga nga­yong taon.

Ipagdiriwang ng PSC nga­yong buwan ang ka­ni­lang ika-30 anibersaryo kung saan mag-oorganisa ang local sports body ng isang simple ngunit maka­hu­lugang event sa RMC.

“This is a milestone for PSC. As we celebrate our 30th year, we want it to be inside the Rizal Coliseum which has seen many significant events in Philippine Sports,” wika ni Ramirez.

Maliban sa 30th anni­versary ay plano rin ng ko­misyon na idaos ang 2020 Batang Pinoy at Philippine National Games sa loob ng RMSC at sa Philsports Complex sa Pasig City.

Ito ang magiging unang pagsasagawa ng Batang Pinoy sa Manila sa nakaraang 11 edisyon.

Samantala, gagamitin din ng sports agency ang RMC para sa pagdaraos ng Philippine Sports Hall of Fame na nagbibigay ng pa­­rangal sa mga Filipino sports greats.

PH­I­LIP­PINE SPORTS COMMISSION

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with