^

PSN Palaro

Zamboanga hiniya ang Imus sa Canada

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumandal sa rebound department ang Zamboanga Family’s Brand Sardines tungo sa 88-72 panalo kontra sa Imus Bandera Luxxe Slim sa 2019 Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup na ginanap sa Sevem Chiefs Sportsplex sa Calgary, Canada.

Tumipak ng kabuuang 59 rebounds ang Zamboanga Valientes habang 34 lamang sa Bandera kung saan nagmula ang kanilang 44 puntos. Umani pa ng 12 second chance points ang Valientes  para palawakin ang kanilang winning run sa apat at umangat sa 16-4 win-loss kartada sa Southern Division.

Tumapos si Alvin Pasaol ng 21 puntos at anim na rebounds habang si Norman Aaron Black ay tumulong ng 13 puntos at pitong rebounds  para sa Family’s Sardines.

Si Jun Bonsubre ay umani rin ng pitong puntos at siyam na rebounds.

Pinangunahan ni movie/TV actor Gerald Anderson ang Bandera sa kanyang 14 puntos at 12 kay Jojo Cunanan para sa Imus.

Samantala, nagpasiklab si Manny Pacquiao nang umiskor ng triple-double upang iangat ang Team Pacquiao sa 116-99 panalo laban sa Team Casey Calgary sa exhibition game.

Umani ang boxing legend na si Pacquiao ng 31 puntos, 10 rebounds at 11 assists sa loob ng 35 minuto at 43 segundo na paglalaro sa kauna-unahang MPBL games sa North America.

ALVIN PASAOL

BANDERA LUXXE SLIM

MPBL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with