^

PSN Palaro

SMB-Alab lider na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalusutan ng San Miguel-Alab Pilipinas ang Fomosa Dreamers, 100-99, kahapon upang agawin ang top spot sa pagpapatuloy ng 10th Asean Basketball League (ABL) sa Changhua Stadium sa Taiwan.

Kumonekta si Khaliff Wyatt ng triple sa huling 27 segundo para bawiin ang bentahe. May sapat na oras pa ang Dreamers na muling agawin ang kalamangan ngunit nagmintis si Anthony Tucker mula sa triple area at kahit ang huling tira ni Jerran Young ay hindi rin pumasok kaya naitakas ng Pilipino team ang malaking panalo.

Sa kanilang panalo, nasungkit ng Alab Pilipinas ang ika-apat na sunod na panalo at umakyat sa solo top spot sa  4-1 win-loss slate. Ang Formosa Dreamers ay nakatikim sa kanilang ika-apat na talo sa anim na laro.

Humataw ang Fil-Am na si Jason Brickman ng tatlong sunod na triples sa kalagitnaan ng ikatlong yugto para agawin ang bentahe, 79-77, tungo sa ika-apat na yugto mula sa 51-59 deficit sa first half.

Umani si Brickman ng double-double performance sa kanyang 12 puntos, 12 assists at isang steal habang ang 7’5 na si Sam Deguara ay tumulong ng 20 puntos at siyam na rebounds para sa tropa ni coach Jimmy Alapag.

Magpapahinga muna ang Alab Pilipinas ng 14 araw at muling babalik kontra sa Macau Wolf Warriors sa Enero 5 sa Sta. Rosa Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

10TH ASEAN BASKETBALL LEAGUE

SAN MIGUEL-ALAB PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with