Concio nakasikwat ng IM title at GM norm

MANILA, Philippines —

Nakipag-draw si Michael Concio kay Indonesian FIDE Master Daniel Her­mawan Lumban Tobing para pagharian ang Eastern Asia Juniors Chess Championships sa Lima Hotel sa Ta­nauan, Batangas.

Inangkin din ng 14-an­yos na si Concio ang International Master title at ang isang GM norm.

Tinapos ni Concio ang tor­neo na may perpektong 7.0 points mula sa limang pa­nalo  at apat na draws.

Kabilang sa kanyang mga tinalo ay si IM Gilbert El­roy Tanigan ng Indonesia, habang nakipag-draw naman siya kina top seed IM John Marvin Miciano at Southeast Asian Games ve­teran IM Daniel Quizon.

Bukod kay Concio, pro­dukto rin ang 15-anyos na si Quizon at si WIM Kylen Joy Mordido ng programa ni Dasmariñas City Cong. Pidi Bar­zaga.

Si Concio ang pi­­na­ka­­batang qualifier sa final phase ng 2019 World Chess Olympiad tourney.

Show comments