Futsal program ng Allianz nanalo ng Silver Award
MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ng Allianz PNB Life matapos gawaran ng Silver Award ang kanilang futsal program bilang “Best Youth Sports Development Program” sa ginanap na Sports Industry Awards (SPIA) sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City.
“We at Allianz believe that engaging in sports is a good way for children to learn discipline and achieve their dreams. With this award, we are further affirming our commitment to continue to provide a venue for Filipino kids to be trained in the sport of futsal or football under the best coaches, so they can reach their goal of playing as world-class professional football players,” sabi ni Gae Martinez, ang chief marketing officer ng Allianz PNB Life.
Mahigit 7,000 kabataan na ang sumasali sa ANYFI at marami sa kanila ay naglalaro na sa pangkolehiyong kompetisyon at sa pambansang koponan.
Ipinagmalaki ni Martinez ang dalawang ‘gradweyt’ ng ANYFI na sina Konrad Keim Sollorin at JM Mitra na nakapaglaro na sa ibang bansa.
Si Sollorin ay naglalaro na para sa Sevenoaks Senior College sa Australia habang si Mitra ay miyembro na ng Los Angeles Surf Soccer Club sa US.
“Futsal and football’s progress in the country continues, and we are excited to see more kids getting into the sport and showing the world that they can compete with the best,” dagdag pa ni Martinez.
Ito ang ikalawang taon na pinarangalan ng SPIA ang ANYFI. Una itong nakakuha ng silver medal para sa “Best Sports CSR” category.
Bukod sa ANYFI, pinarangalan din sa SPIA Asia Awards sina boxing legend Sen. Manny Pacquiao bilang “Best Asian Sportsman of the Year” category at ang tennis grand slam champion na si Naomi Osaka bilang “Best Asian Sportswoman of the Year.”
- Latest