Pinoy triathletes pokus sa gold

Inangkin ng 28-anyos na si Mangrobang ang gintong medalya noong 2017 SEA Games na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.
STAR/ File

SUBIC, Zambales , Philippines — Pupuntiryahin ni Kim Mangrobang ang kanyang ikalawang sunod na gold medal sa women’s individual category ng triathlon event sa 30th Southeast Asian Games dito sa Subic Bay Boardwalk.

Inangkin ng 28-anyos na si Mangrobang ang gintong medalya noong 2017 SEA Games na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Makakatambal ni Mangrobang si Filipino-foreigner Kim Kilgroe para maulit ang 1-2 finish dalawang taon na ang nakakalipas sa Malaysia.

Kagaya nina Mangrobang at Kilgroe, hangad din nina Rambo Chicano at Kim Remolino na makuha ang gold at silver medal sa men’s individual event.

Show comments