Sepak Takraw team sisipa ng ginto sa SEAG

MANILA, Philippines — Hangad ng sepak takaw team na makuha ang unang gintong medalya nito sa 2019 Southeast Asian Games na pormal na magbubukas sa Sabado sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Sepak Takraw President Karen Caballero, ang lahat ng anim na SEA countries na sasabak ay maaari lamang magpadala ng atleta sa tatlo sa walong event na lalaruin – dalawa sa men’s at isa sa women’s division.

Ngunit bilang host ng SEA Games, binigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na lahukan ang lahat ng events sa regu at hoops.

Target ni Caballero na makasungkit ang Pinoy Takraw players ng dalawa hanggang tatlong gintong medalya sa SEA Games.

 Malakas ang Pilipinas sa men’s hoop doubles at women’s hoop.

Show comments