^

PSN Palaro

NU pep squad dale ang back-2-back

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
NU pep squad dale ang back-2-back
Muling nagpamalas ng maningning na performance ang NU Pep Squad para makopo ang back-to-back title sa UAAP Cheerdance.
Jun Mendoza

MANILA,Philippines — Nasungkit ng National University Pep Squad ang back-to-back title kahapon sa Season 82 UAAP Cheerdance Competition sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang tema na “Pinoy Pride” ipinakita ng NU ang husay sa pyramid, stunts at tumbling tungo sa pag-uwi sa kanilang ika-anim na korona sa nakalipas na pitong taon.

Sa kanilang panalo, tumanggap din ang NU ng tropeo at medalya bukod sa P50,000 cash prize mula sa UAAP at karagdagang P30,000 mula sa Yamaha at P30,000 mula sa Juicy.

Nakuha naman ng Far Eastern University Chee­ring Squad ang ikalawang puwesto sa kanilang presentasyon na hango sa thriller album ni Michael Jackson.

Bilang first runner-up binigyan din ang FEU ng P30,000 mula sa UAAP at P25,000 sa Yamaha at P20,000 mula sa Juicy.

Tumapos naman sa ikatlong puwesto ang A­damdon University Pep Squad sa kanilang presentasyon na hango sa Carribean dance.

Tumanggap ang A­damson ng P20,000 mula sa UAAP bukod sa P20,000 galing sa Yamaha at P15,000 mula sa Juicy.

Naging kumpleto rin ang dominasyon ng NU matapos magwagi sa Group Stunts habang tumapos ang FEU sa silver medal at bronze medal sa Adamson.

NATIONAL UNIVERSITY

NU PEP SQUAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with