DALLAS -- Nagposte si guard Luka Doncic ng 26 points, 15 rebounds at 7 assists para pangunahan ang Mavericks sa 110-102 paggupo sa bisitang Toronto Raptors.
Humakot naman si big man Kristaps Porzingis ng 20 points at 15 rebounds para sa pagbangon ng Dallas sa dalawang sunod na kabiguan.
Nagdagdag sina Seth Curry at dating Raptors Delon Wright ng tig-15 points para sa Mavericks habang may tig-10 markers sina Maxi Kleber at Dorian Finney-Smith.
Binanderahan naman ni Normal Powell ang Raptors sa kanyang season-best na 26 points kasunod ang 24 markers ni Fred Van Vleet habang nagtala si Pascal Siakam ng 15 points at 7 assists.
Kinuha ng Dallas ang one-point lead papasok sa fourth quarter at pinalobo ito sa 14 puntos sa 5:14 minuto ng labanan.
Ang dalawang free throws ni VanVleet ang nagdikit sa Toronto sa tatlong puntos sa huling 3:17 minuto bago ito nailapit ng layup ni Powell sa nalalabing 2:08 minuto.
Sa New Orleans, humataw si rookie Kendrick Nunn ng 22 points para ihatid ang Miami Heat sa 109-94 pagdaig sa Pelicans.
Naglista si Bam Adebayo ng 18 points at 14 rebounds habang tumapos si Jimmy Butler na may 16 points at 13 assists at nagdagdag sina Duncan Robinson, Kelly Olynyk at Tyler Herro ng 15, 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa pang-limang panalo ng Heat sa kanilang limang home games.