MANILA, Philippines — Target ng National University Pep Squad ang kanilang back-to-back title sa paghataw ng UAAP Season 82 Cheerdance Competition ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Inangkin ng NU Pep Squad ang limang korona sa huling anim na taon.
Itatampok ng NU Pep Squad ang kanilang Sarimanok-inspired run sa sahig.
Ang NU Pep Squad ang pang-walo at pinakahuling performer na nadetermina sa isinagawang lottery ilang buwan na ang nakakalipas na kauna-unahan sapul noong 2014 edition kung kailan sila nakakuha ng back-to-back titles.
Ang 2018 runner-up Far Eastern University Cheering Squad ang fifth performer kasunod ang Adamson Pep Squad.
Unang paparada ang De La Salle Animo Squad kasunod ang University of the East Pep Squad, University of the Philippines Pep Squad at Ateneo Blue Babble Battalion.