Passi City, Iloilo, Philippines — Ipinagpatuloy ni Davao Cocolife Tigers main man Mark Yee ang kanyang impresibong paglalaro matapos ilista ang individual record na ika-33 double-double performance sa Maharlika Pilipinas Basketball League.
Nagtala si Yee ng 23 points at 16 rebounds matapos ungusan ng Tigers ang Iloilo United Royals, 89-76 at manatili sa tuktok ng South division dito sa City of Passi Arena kamakalawa ng gabi.
Iginiya ni Yee ang Tigers patungo sa kanilang ika-16 panalo sa 18 laro habang nahulog naman ang Royals sa 9-7.
Ang magandang laro ni Yee ang sinandigan ng koponan ni Dumper Party List Congresswoman Claudine Bautista at ayudante ni Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque.
Pinuri naman ni Davao Cocolife deputy team manager Rey Alao ang consistent game ni Yee na nakahahawa sa teammates ang court-generalship nito.
“Mark (Yee) is a true leader inside the court every game and attitude-wise,” wika ni Alao.
Samantala, nilusutan ng Manila Stars ang Pasay Voyagers, 73-72 para palakasin ang kanilang tsansa sa top four spot sa North division.