Pinay Spikers nakuntento sa tanso

MANILA, Philippines — Lumasap ang Pilipinas ng 21-25, 17-25, 25-21, 21-25 kabiguan sa mga ka­may ng bisitang Indone­sia para magkasya sa tansong medalya sa 2019 Asean Grand Prix second leg kagabi sa Sta. Rosa Multipurpose Gym sa Sta. Rosa, Laguna.

Tinapos ng Pilipinas ang kanilang kampanya tangan ang 1-2 rekord, ha­bang nakuha naman ng Indonesia ang 2-1 marka.

Nanguna sa opensa ng Pinay spikers sina Jovelyn Gonzaga, Alyssa Valdez, Maddie Madayag at Ces Mo­lina ngunit hindi sapat ang pinagsanib na puwer­sa ng apat para makuha ang panalo.

Ito ang ikalawang tan­song medalya ng Pilipinas sa Asean Grand Prix matapos pumangatlo sa first leg noong Setyembre sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nasungkit ng Indonesia ang pilak na medalya sa ikalawang sunod na pag­ka­kataon.

Muling napasakamay ng powerhouse at reigning Southeast Asian Games champion na Thailand ang gintong medalya matapos walisin ang lahat ng tatlong asignatura.

Tinalo ng Thailand sa hu­ling araw ng kumpetis­yon ang Vietnam, habang pinataob din nila ang In­do­nesia at Pilipinas sa ka­nilang unang dalawang asig­natura.

Nagtapos sa ikaapat na puwesto ang SEA Games silver medalist na Vietnam na walang naipanalo sa tatlong laro.

Show comments