MANILA, Philippines — Itataguyod ang 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship na magsisimula sa Lunes sa Alphaland Place sa Makati City.
Bukod pa rito, nais ng torneo na alalahanin ng mga baguhang manlalaro si Balinas na isa sa matitikas na woodpushers sa bansa.
“GM Balinas is really one of the best Filipino chess players ever. He was an idol. I am deeply honored to be invited to play in the Balinas Memorial. I was a student of GM Balinas and I can say I am one of his more successful students. I really owe a lot to him,” ani GM Rogelio Antonio Jr. sa pagbisita nito sa lingguhang Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Kasama ni Antonio sina GM Darwin Laylo, Philippine Executives Chess Association (PECA) president Dr. Jenny Mayor at Engr. Tony Balinas,
Ipapatupad ang old format o ang standard long game na itinuturing na mas magandang format kesa rapid at blitz.
Tumataginting na P50,000 ang nakalaan para sa magkakampeon habang P40,000 naman sa runner-up, P30,000 sa third placer, P20,000 sa fourth placer at P20,000 sa fifth placer.