SMB nakatutok sa Grand Slam matapos makuha ang dalawang korona

Ang koponan ng San Miguel Beer na nagkampeon sa PBA Commissioner’s Cup.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Ang ikalawang kam­ peo­nato ng San Miguel ang nagpalakas sa kanilang tsansa para sa pambihirang PBA Grand Slam.

Matapos pagharian ang 2019 PBA Philippine Cup sa pang-limang sunod na taon ay inangkin naman ng Beermen ang korona ng Commissioner’s Cup.

“Double purpose ito dahil once makuha namin ‘yung championship sa third conference, siguro mababalato na sa amin ‘yung Grand Slam,” sabi ni head coach Leo Austria.

Tinapos ng San Miguel ang kanilang best-of-seven championship series ng TNT Katropa sa 4-2 ng nasabing mid-season conference para makamit ang pang-27 titulo sa liga.

“We never thought we would make the Finals at the start of the conference,” sabi ni Austria sa itinalang 2-5 record ng Beermen sa likod ni one-time PBA Best Import Charles Rhodes bago ipinalit si Chris McCullough. “We’re fortunate to win the championship.”

“We just worked hard in the gym, we worked hard at the practice. We were well focused,” wika ng 24-anyos na si McCullough na nakaduwelo si Best Import Terrence Jones ng Tropang Texters sa PBA Finals.

Ang pang-walong PBA title naman ni Austria ang nagtabla sa kanya kay Chot Reyes sa No. 5 sa all-time list.

Matapos kunin ng TNT Katropa ang Game Three, 115-105  ay sinikwat naman ng San Miguel ang Game Four, 106-101 at Game Five, 99-94 bago wakasan ang serye sa pamamagitan ng 102-90 tagumpay sa Game Six noong Biyernes.

Hinirang si Terrence Romeo bilang Finals MVP.

“Hindi mo kailangang laging bida, importante manalo team,” sabi ni Romeo, nagtala ng mga ave-rages na 14.8 points, 4.3 assists at 2.3 rebounds sa PBA Finals.

Pupuntiryahin ngayon ng Beermen ang PBA Grand Slam na una at huli nilang nakopo noong 1989 sa ilalim ni dating mentor Norman Black.

Para matupad ang ka-nilang pangarap ay tinapik ni Austria si 6-foot-5 Dez Wells sa kanilang kampanya sa darating na 2019 PBA Go-vernor’s Cup na nakatakda sa Setyembre 20.

Naglaro si Wells para sa Oklahoma City Blue, ang tropa ng Oklahoma City Thunder, sa NBA G-League bago nakita sa aksyon sa Greece at Italy.

Ipaparada ng San Mi-guel si Wells sa East Asia Super League Terrific 12 sa Setyembre sa Macau.

Show comments