TIP tangka ang playoff

MANILA, Philippines — Puntirya ng Technological Institute of the Philippines (TIP) na hablutin ang unang playoff spot sa pakikipagtuos nito sa Black Mamba sa 2019 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakasandal ang Engineers sa 3-1 marka kung saan isang panalo na lang ang kanilangan nito para makasiguro ng tiket sa susunod na yugto ng torneo.

Maghaharap ang Engineers at Energy Drink sa ala-1:30 ng hapon.

“We’re already looking ahead. Right now 3-1 kami, so I think we have one foot in the door already sa playoffs. We want to prepare for the playoffs already as early as now,” ani TIP mentor Potit De Vera.

Walang iba kundi sina Senegalese big man Papa Ndiaye, Bryan Santos at Ivan Santos ang sasandalan ng Engineers.

Sina Ndiaye, Bryan at Ivan ang bumandera sa atake ng TIP para wasakin ang Italiano’s Homme, 133-98.

Samantala, nakatakda rin ang duwelo ng Centro Escolar University at AMA Online Education sa alas-3:30 at ng iWalk at Nailtalk-St. Dominic Savio sa alas-5:30.  

Show comments