^

PSN Palaro

Blazers sasabit uli sa liderato

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(FilOil Flying V Arena, San Juan City)

10 a.m. MU  vs EAC  (Jrs)

12 noon AU  vs CSB (Jrs)

2 p.m. MU  vs EAC (Srs)

4 p.m. AU  vs CSB (Srs)

MANILA, Philippines — Target ng St. Benilde Blazers ang pang-limang sunod panalo sa pagharap kontra sa Arellano Chiefs ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Haharapin ng pumapangalawang Blazers ang Chiefs sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Mapua Cardinals at Emilio Aguinaldo Generals sa alas-2 ng hapon.

Mataas na ngayon ang tiwala ng Blazers bunga ng kanilang 77-72 panalo sa San Sebastian Stags noong Hulyo 30, kaya kumpiyansa si coach TY Tang na malampasan ang kanilang fifth place finish  noong nakaraang taon sa 10-8 record.

Kung magtagumpay ang Blazers muli silang aangat sa sosyohan sa liderato kasama ang three-peat champion San Beda Red Lions na ngayon ay hawak ang malinis na 5-0 win-loss kartada.

Makakaharap naman nila ang Chiefs na galing sa 64-73 talo sa mga kamay ng Mapua noong Sabado kaya gusto ni Arellano coach Cholo Martin na buma­ngon agad upang kumalas sa three-way tie sa ilalim  ng standing kasama ang Mapua at EAC Generals.

Sa junior’s division, magtutuos ang Mapua Red Robins at EAC Brigadiers sa alas-10 ng umaga at susundan ng laro ng Arellano Braves at CSB-LSGH Greenies sa alas-12 ng tanghali.

SEASON 95 NCAA BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with