Polo field sa Calatagan sakto sa SEA Games opening ceremony

MANILA, Philippines — Inaasahang dadaluhan nina Sultan - Hassanal Bolkiah ng Brunei at King –Tengku Abdullah Sultan Ahmad Shah ng Malaysia ang mga matches ng Polo event ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas.

“While the field looks great, the Bamboo Pa­vilion -- from the architect’s rendering -- is fabulous as it is majestically designed since royalties of Brunei and Malaysia and others rich and famous of the region are likely to watch the matches,” sabi ni 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero.

Sinabi ni Romero na inaasahan niyang matatapos ang Polo field at ibang kagamitan bago  ang ope­ning ceremonies sa Nob­yembre 25.

“We’re now excited since works are now in full blast, we want to have a first class field and a first competition.  We want to show that we Filipinos – are capable of hosting an event as big as the SEA Games,” dagdag ni Romero.

Ayon pa kay Romero, sa pagkahalal ni Tagaytay City Congressman Abraham “Bambol”Tolentino bilang POC president noong Linggo, patuloy ang suporta sa Polo event.

“Sports are now in good hands, since unity is Tolentino’s foremost goal,” pahayag ni Romero na dati ring presidente ng Phi­lippine National Shooting Association (PNSA).

Hangad din ni Romero na muling masungkit ng Team PH ang overall championship sa SEAG.

“This year is our time to shine in the sporting arena,” aniya.

Ang UPPA ay pina­ngungunahan ni Coco Garcia bilang pangulo at Jun Juban bilang secretary-general at si Tonio Veloso ang executive-general habang si Jun Eusebio ang vice chairman.

Show comments