Milo National Finals iniatras sa Jan. 19

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Nestle Philippines ang pagdaraos ng Milo Marathon National Finals sa Enero 19, 2020 para sa pagbibigay daan sa 30th Southeast Asian Games.

Nagdesisyon ang management ng Milo Philippines na ang taunang Milo National Finals ay idaos sa Tarlac City upang makibahagi rin sa 2019 SEA Games sa  Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa New Clark City-Capas, Tarlac, Metro Manila, Subic at Tagaytay City.

Pambato ng Team Philippines para sa SEAG si Milo Marathon six-time champion Mary Joy Tabal ng Cebu at 2018 men’s division runner-up Jerald Zabala, kapalit ng yumaong kampeon noong nakaraang taon na si Rafael Poliquit.

“We call on the entire nation to get involved and rally behind our athletes as they compete in our home soil for this significant sporting event. The SEA Games marks an exciting time for Philippine sports. May this event serve as an inspiration to all our runners to aspire for greatness throughout the season,” ani Milo Sports Manager Lester P. Castillo.

Sinabi ni Castillo na mahigit 150,000 running enthu­siasts ang inaasa­hang sasali sa nationwide quali­fying races na magsisimula sa Metro Manila elimination sa Hulyo 28 sa Mall of Asia (MOA)  grounds sa Pasay City at susundan ng Subic leg sa Agosto 4.

Show comments