^

PSN Palaro

Pagkakaisa panawagan ni Palou

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagkakaisa sa hanay ng mga volleyball leagues sa bansa ang ipinanawagan kahapon ni Premier Volleyball League chief organizer Ricky Palou.

Sinabi ni Palou na higit na mas kagigiliwan at mas kapaki-pakinabang sa atletang Pinoy at sa Philippine volleyball kung magkakaroon ng ‘unification’ ang lahat ng liga sa bansa.

“I’m batting for a one volleyball league. Mas maganda ito dahil lahat ng players natin magkakaharap at malalaman natin ang tunay na kalidad ng volleyball sa atin. Mas makabubuti ito sa ating mga atleta at sa sports in general,” pahayag ni Palou sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sport’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Idinagdag ni Palou na mas maganda kung magkakatapat ang mga pinakamahuhusay na volleyball players sa iisang liga.

“We have the best players in PVL, mayroon ding mahuhusay sa kabila. Mas maganda kung magkakaharap-harap silang lahat at masusukat ang kakayahan nila sa isa’t isa,” ani Palou. “In the end, ang Philippine volleyball ang makikinabang dahil made-develop natin nang todo ang mga players.”

“Open ako dito. Actually may private corporation na supportive dito, hindi ko lang alam kung okey ang kabila,” sabi ni Palou patungkol sa Philippine Super Liga (PSL) na pinatatakbo ni Ian Laurel sa tulong ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.

“Kami okey diyan. But right now, focus din kami sa aming liga,” dagdag pa nito sa ilalargang PVL Reinforced Conference sa Mayo 26 sa FilOil Flying V sa San Juan.

Kabilang sa premyadong players na naglalaro sa PVL sina Myla Pablo ng Motolite at Dzi Gervacio ng Bangko Perlas na kumpiyansa na masasandigan ang kani-kanilang koponan sa kabila ng presensya ng mga foreign imports.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

RICKY PALOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with