^

PSN Palaro

USTe lumapit sa Playoffs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuko ng University of  Santo Tomas ang McDavid, 111-90 para makalapit sa inaasam na playoff spot sa 2019 PBA D-League kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Muling naglatag ng halimaw na laro si Soulemane Chabi Yo nang humataw ito ng 25 points, 15 rebounds at limang assists para pamunuan ang Growling Tigers na makopo ang ikalimang panalo sa anim na laro sa Aspirants Group.

Naging malaking bentahe ang Beninese forward para dominahin ng Ironcon-UST ang boards, 58-37  habang rumatsada rin ang Tigers ng 16 three-pointers.

Nagrehistro naman si Marvin Lee ng 17 puntos tampok ang 5-of-7 shooting clip sa rainbow country habang kumana sina Rhenz Abando at Brent Paraiso ng pinagsamang 25 puntos.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si UST mentor Aldin Ayo dahil marami pa aniyang dapat ayusin.

“Kulang na kulang pa. Hilaw pa. We know it will take some time for the players to adapt to it, pero right now, what we’re thin­king is how to establish our system,” ani Ayo.

Tuluyan namang namaalam sa kontensiyon ang McDavid na nahulog sa 1-6 baraha.

Parehong umiskor sina Rev Diputado at Jason Melano ng 18 puntos para sa McDavid.  

2019 PBA D-LEAGUE

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with