MANILA, Philippines — May kabuuang 18 tankers ang ginawaran ng Most Outstanding Swimmer (MOS) awards Novice Division ng 156th Philippine Swimming League (PSL) National Series - 15th Sen. Nikki Coseteng Swimming Cup na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Nanguna sa listahan sina Gyanne Thessaly Oabel ng Baguio Penguins (girls’ 13-year) at Baby Judy Pagurayan ng Elite Swim Team (girls’ 10-year) matapos parehong makalikom ng 100 puntos sa kani-kanilang dibisyon.
“We’re happy with the outcome of this competition. We’ve seen a lot of potential swimmers. We will be guiding them to achieve their best times and hopefully represent our country in international level in the future,” ani PSL President Susan Papa.
Umariba rin sina Dylan Oliva (6-under), Niel Dacay (7), John Rey Aquino (8), Leon Alicer (9), Ezekiel Belbes (10), Joshrolf De Jesus (11), Kyle Conde (12), Titus Peralta (13), Shawn Santander (14) at Justine Toldoya (15-over) sa boys.
Hindi naman nagpahuli sa girls’ class sina Samantha Sahagun (7), Claine Lim (8), Gwyneth Annayo (9), Kreshna Saboya (11), Anica Traspice (12) at Hanna Medina (15-over).
Ilang mahuhusay na tankers ang napili ng PSL upang maging kinatawan ng bansa sa international competitions sa Singapore, Japan at United Arab Emirates.
Inaasahang ilalabas ni Papa ang listahan sa susunod na edisyon ng PSL National Series.