^

PSN Palaro

Tornadoes, Cargo Movers laglagan sa ika-3 semis slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling magtutuos ang Foton at F2 Logistics para masungkit ang ikatlong semis spot sa pagpalo ng rubber match ng kanilang quarterfinal series ngayong araw sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang duwelo ng Tornadoes at Cargo Movers sa alas-7 ng gabi.

Hawak ng Foton ang momento matapos sorpresahin ang second seed at twice-to-beat holder F2 Logistics, 27-25, 19-25, 25-22, 16-25, 15-12  noong Sabado para makahirit ng do-or-die sa serye.

Ramdam na ramdam ang pagbabalik ni middle hitter Jaja Santiago na ga­ling sa kampanya sa Japan Volleyball League.

Inilabas ni Santiago ang bangis nito nang magtala ang 6-foot-5 ng 20 puntos habang solido rin ang laro ni import Courtney Felinski na nakagawa rin ng parehong 20 puntos para sa Tornadoes.

Ngunit hindi pa tapos ang laban.

At alam ni Foton head coach Aaron Velez na reresbak ang F2 Logistics.

“We’re really happy for the win, but we can’t be too excited. I can’t say that we have the upper hand. All I can say is that the hungrier and more prepared team will definitely advance to the next round,” ani Velez.

Una nang naisaayos ng Petron at Cignal ang paghaharap sa semis matapos payukuin ang kani-kanilang karibal sa quarterfinals. 

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

F2 LOGISTICS

FOTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with