^

PSN Palaro

‘Di pa tapos ang laban!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
‘Di pa tapos ang laban!
Nasalag nina Kseniya Kocyigit at Jamie Lavitoria ng Generika ang kill ni Grethcel Soltones ng PLDT.
Jun Mendoza

Generika kumikikig pa

MANILA, Philippines — Napigilan ng No. 6 Generika-Ayala ang tangkang pag-entra ng PLDT Home Fibr sa semis matapos itarak ang 21-25, 25-22, 25-22, 26-24  desisyon para makahirit ng do-or-die sa kanilang quarterfinal series sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nag-aalab ang moti­basyon ni middle hitter import Kseniya Kocyigit na nagbuhos ng matinding puwersa para maitarak ang walong attacks, apat na blocks at isang ace upang dalhin ang Lifesavers sa panalo.

“It feels great. We finally played as a team; we finally played with passion and with fighting spirit. I knew it (that we’ll win this game),” ani Kocyigit.

Naglatag din ng matikas na laro si Thai wing spiker Kanjana Kuthaisong na gumawa ng mga krusyal na puntos.

Maganda ang suporta ng local players partikular na nina team captain Angeli Araneta – na siyang humataw ng winning aces - outside hitter Fiola Ceballos at middle blocker Ria Meneses gayundin sina libero Bia General at playmaker April Ross Hingpit.

Pinuri ni Kocyigit ang determinasyong ipinakita ng kanyang teammate na tunay na bumuhat sa kanilang panalo.

“It’s a very important game, you saw the determination to win the game. I want the best for these girls because they deserve to be on the top. They are the best group,” ani Kocyigit.

Pagkakataon na sana ng Power Hitters na maipuwersa ang deciding fifth set nang kunin nito ang set point, 24-23.

Subalit ibinaon ni Ko­cyigit ang matalim na atake sa gitna para maitabla ang laro.

Sinundan ito ng dalawang sunod na aces ni Araneta para tuluyang masungkit ng Generika-Ayala ang panalo.

Ang mananalo sa Lifesavers-Power Hitters game ang papasok sa best-of-three semifinal series laban naman sa mananaig sa hiwalay na quarterfinal series sa pagitan ng F2 Logistics at Foton Tornadoes.

Una nang umabante sa Final Four ang nagdedepensang Petron na namayani sa Sta. Lucia Realty sa iskor na 25-17, 25-11, 25-18 noong Sabado.

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with