Lady Tams, Tigresses kakapit pa sa No. 3

Magkasosyo ang Lady Tamaraws at Tigresses sa third spot sa parehong 7-4-win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Ateneo Lady Eagles (10-1) at three-peat champion De La Salle Lady Spikers (8-3) habang kasunod naman ang University of the Phi­lippines Lady Maroons sa solo fifth spot sa 6-5 slate.

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)

8 a.m. ADU vs UE (M)

10 a.m. UST vs  ADMU (M)

2 p.m. NU vs FEU (W)

4 p.m. UST vs UP (W)

MANILA, Philippines — Haharapin ng FEU Lady Tamaraws ang NU Lady Bulldogs habang magtatagpo rin ang UST Tigresses at UP Lady Maroons ngayon sa pagpa­patuloy ng Season 81 UAAP Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Magkasosyo ang Lady Tamaraws at Tigresses   sa third spot sa parehong 7-4-win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Ateneo Lady Eagles (10-1) at three-peat champion De La Salle Lady Spikers (8-3) habang kasunod naman ang University of the Phi­lippines Lady Maroons sa solo fifth spot sa 6-5 slate.

Magtatagpo ang Tigresses at UP Lady Maroons sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng paghaharap ng Lady Tamaraws at Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon.

Malakas ang tiwala ng Lady Tamaraws bunga ng kanilang 22-25, 25-19, 25-19, 25-12 panalo kontra sa NU sa first round noong Pebrero 16 kaya hangad ni FEU coach George Pascua na patunayan ang kanilang mastery sa mga mas batang Lady Bulldogs.

Sa kabilang banda, ang Lady Tamaraws ay galing sa 25-21, 19-25, 25-23, 25-22 panalo kontra sa UP Lady Maroons noong naka­raang Sabado habang ang Lady Bulldogs ay galing sa 14-25, 26-24, 17-25, 19-25 talo sa Ateneo noong Linggo.

Target ng Ateneo Blue Eagles (7-4) ang ika-8 pa­nalo kontra sa UST Grow­ling Tigers (4-7) sa alas-10 ng umaga at magtatagisan naman ng husay ang A­damson Soaring Falcons (7-4) at UE Red Warriors (2-9) sa alas-8 ng umaga sa men’s competition.

Show comments