Clippers pinatumba ang Cavaliers
LOS ANGELES — Humataw si Montrezl Harrell ng 23 points, habang nagdagdag si rookie Shai Gilgeous-Alexander ng 22 markers at 8 assists para tulungan ang playoff-bound Clippers sa 132-108 paglampaso sa Cleveland Cavaliers.
Ito ang pang-pitong panalo ng Los Angeles sa huli nilang walong laro at ika-12 sa 14 para lumapit sa San Antonio Spurs sa fifth seed sa Western Conference.
Nag-ambag si JaMychal Green ng 18 points at 10 rebounds para sa Clippers, nagsalpak ng 15-of-33 sa three-point line.
Binanderahan ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ang Cavaliers mula sa kanyang 26 points sa loob ng 24 minuto mula sa bench.
Nagtala si rookie Collin Sexton ng 21 points kasunod ang 19 markers ni Cedi Osman para sa Cleveland.
Sa Houston, nagposte si James Harden ng 50 points, 11 rebounds at 10 assists para banderahan ang Rockets sa 119-108 paggupo sa Sacramento Kings.
Ito ang ika-42 career triple-double ni Harden at pangatlong 50-point game sa huling anim na laro ng Houston.
Nagsalpak siya ng pitong 3-pointers para maging ninth player sa NBA history na tumipa ng 2,000 career 3-pointers.
Humakot si Chris Capela ng 24 points at 15 rebounds, habang may 22 markers si Chis Paul para sa Rockets.
Pinamunuan ni Bogdan Bogdanovic ang Kings mula sa kanyang 24 points.
Sa Minneapolis, umiskor si Tobias Harris ng 25 points para pangunahan ang 118-109 tagumpay ng Philadelphia 76ers laban sa Minnesota Timberwolves.
Dumikit ang 76ers sa No. 3 seed sa Eastern Conference playoffs.
Kumolekta si Ben Simmons ng 20 points, 11 boards at 9 assists para sa Philadelphia (49-27).
Tumapos naman si rookie Jonah Bolden na may career-best 19 points.
Sa Indianapolis, naglista si Aaron Gordon ng 23 points, 10 rebounds at 7 assists para sa 121-116 panalo ng Orlando Magic laban sa Indiana Pacers.
Nagposte ang Magic ng season-high 37 assists.
- Latest
























