Magic ‘di pinaporma ang 76ers

Nagtala si Evan Four­nier ng 24 points para kumpletuhin ng Orlando ang 5-0 pagwalis sa Philadelphia sa kanilang franchise history at makadikit sa Miami sa karera sa eighth playoff spot sa Eas­tern Conference.
AP Photo/John Raoux

ORLANDO, Florida — Kumolekta si Nikola Vucevic ng 28 points at 11 rebounds at pinatahimik ng Magic ang Philadelphia 76ers sa loob ng 12 minuto patungo sa kanilang 119-98 panalo.

Nagtala si Evan Four­nier ng 24 points para kumpletuhin ng Orlando ang 5-0 pagwalis sa Philadelphia sa kanilang franchise history at makadikit sa Miami sa karera sa eighth playoff spot sa Eas­tern Conference.

Sa Memphis, nagpasabog si Bruno Caboclo ng career-high 24 points habang nagdagdag si Tyler Dorsey ng 21 markers para tulungan ang Grizzlies na gulatin ang Oklahoma City Thunder, 115-103.

Tumapos naman si Delon Wright na may 18 points at career-best 13 assists para sa Memphis, nakahugot kay Jonas Valanciunas ng 18 points at 14 rebounds.

Sa Portland, humakot si big man Jusuf Nurkic ng 32 points at 16 rebounds bago nagkaroon ng left leg injury sa ikalawang overtime para tulungan ang Trail Blazers sa 148-144 pagtakas sa Brooklyn Nets.

Nangyari ang injury ni Nurkic sa kanyang pakiki­paglaban para sa offensive rebound.

Nabaluktot ang binti ng starting center at kinaila­ngang ilagay sa stretcher para ilabas sa court.

Show comments