^

PSN Palaro

SMB-Alab laglag sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling lumasap ng ka­biguan ang San Miguel Alab Pilipinas nang umani ito ng 74-88 kabiguan sa Formosa Dreamers upang mahulog sa No. 2 spot sa Asean Basketball League Season 9 Linggo ng gabi sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Nakaapekto ng husto sa Beermen ang pagkawala nina Renaldo Balkman (concussion), Lawrence Domingo (MCL tear) at Brandon Rosser (kanang tuhod) na pare-parehong may iniindang injury.

Sampung manlalaro lamang ang nakapaglaro sa panig ng Beermen kung saan nanguna si two-time MVP Bobby Ray Parks Jr. na may 24 puntos, pitong rebounds at limang assists.

Malaking dagok pa ang pagkawala ni Josh Urbiz­tondo sa laro matapos itong ma-eject dahil sa mainit na pakikipagbuno kay Formosa Dreamers import Malcolm Miller sa huling 2:30 minuto ng laro.

Nasolo ng Formosa Dreamers ang liderato ha­wak ang 18-6 rekord habang bumagsak sa ikalawa ang Alab Pilipinas na nahulog sa 18-7 baraha.

ASEAN BASKETBALL LEAGUE SEASON 9

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with