Aldridge, white pasikat

Umasinta ng tira si LaMarcus Aldridge ng Spurs sa harapan ni Kent Bazemore ng Hawks.

Spurs sinilat ang Hawks

ATLANTA--Kumolekta si center LaMarcus Aldridge ng 32 points at lumayo ang San Antonio Spurs sa dulo ng fourth quarter para talunin ang Hawks, 111-104.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Spurs.

Tinulungan ni Derrick White ang San Antonio sa pagkapit sa final playoff spot sa Western Conference nang magsalpak ng isang three-pointer kasunod ang dalawang basket para makawala sa Atlanta, 98-93.

Tumapos si White na may 18 points at 9 assists.

Binanderahan naman ni guard Trae Young ang Atlanta mula sa kanyang 24 points mula sa mahinang 8-of-24 fieldgoal shooting.

Sa Detroit, humakot si big man Andre Drummond ng 31 points at 15 rebounds para pamunuan ang Pistons sa 131-114 paggiba sa Minnesota Timberwolves.

Ipinoste ni Drummond ang kanyang pang-16 sunod na double-double --ang second-longest streak sa franchise history ng Detroit matapos maglista ng record na 18  sa nakaraang season.

Nagdagdag si Luke Kennard ng 21 points para sa Pistons na naipanalo ang 10 sa kanilang huling 12 laro.

Nalasap naman ng Timberwolves, nakahugot kay Karl-Anthony Towns ng 24 points, ang ikaapat na kabiguan sa huling limang laban.

Sa Chicago, humataw si Zach LaVine ng 39 points kasama ang go-ahead layup sa huling 1.6 segundo ng labanan para ihatid ang Bulls sa 108-107 paglusot sa Philadelphia 76ers.

Iniskor ni LaVine ang kanyang 13 markers sa fourth quarter para burahin ng Chicago ang 10-point deficit at  balikan ang Philadelphia.

Show comments