Magic tinagpas ang Raptors

TORONTO -- Humataw si Terrence Ross ng 28 points habang kumolekta si big man Nikola Vucevic ng 23 points at 12 rebounds para pamunuan ang 113-98 panalo ng Orlando Magic laban sa Raptors.

Tinapos ng Orlando ang seven-game winning streak ng Toronto.

Nagdagdag si Jonathan Isaac ng 16 points kasunod ang 12 markers ni D.J. Augustin para sa ikaanim na panalo ng Magic sa huli nilang pitong laban.

“This is the part of the season where you’ve got to move forward, no matter what,” sabi ni Ross matapos ang 109-110 home loss ng Orlando kontra sa Chicago Bulls noong Biyernes na pumigil sa kanilang five-game winning run.

Sa Denver,  pinataob ng Nuggets ang Los A­ngeles Clippers, 123-96 sa likod nina Nikola Jokic at Paul Millsap.

Sa New York, nagpasabog si Damyean Dotson ng 27 points at tinapos ng Knicks ang kanilang franchise-record home lo­sing streak sa 18 games sa bisa ng 130-118 paggupo sa San Antonio Spurs.

Show comments