Spurs dapa sa Clippers
SAN ANTONIO -- Kumolekta si Tobias Harris ng 27 points, 9 rebounds at 9 assists para pangunahan ang bisitang Los Angeles Clippers sa 103-95 pagpapabagsak sa Spurs at wakasan ang kanilang five-game losing slump.
Humakot naman si center LaMarcus Aldridge ng 30 points at 14 rebounds sa panig ng San Antonio, pinuwersa ng Los Angeles sa 18 turnovers.
Nakalapit ang Spurs sa 95-101- agwat sa huling 31.7 segundo ng fourth quarter mula sa pinakahuling basket ni Aldridge at tuluyan nang sinelyuhan ng Clippers ang kanilang panalo mula sa dalawang free throws ni point guard Patrick Beverley.
Tumapos si Beverley na may 18 points, 12 rebounds at 5 assists habang nagdagdag si Montrezl Harrell ng 18 points kasunod ang 15 markers ni Avery Bradley para sa Los Angeles.
Umiskor si Rudy Gay ng 19 points kasunod ang 12 markers ni Marco Belinelli para sa Spurs, nakahugot ng 8 points kay DeMar DeRozan sa loob ng 29 minuto.
Sa Minneapolis, isinalpak ni veteran guard Derrick Rose ang isang 18-footer sa huling 0.6 segundo para iligtas ang Minnesota Timberwolves laban sa Phoenix Suns, 116-114.
Humugot ni Rose ng 29 sa kanyang 31 points sa second half para ibangon ang Minnesota mula sa 11-point deficit laban sa Phoenix.
Sa Indianapolis, kumamada si guard Victor Oladipo ng 21 points at nagposte si Darren Collison ng 19 points at 9 assists para pangunahan ang Indiana Pacers sa 120-95 panalo laban sa Charlotte Hornets.
Ito ang ikaapat na panalo ng Indiana sa huli nilang limang laban.
- Latest