^

PSN Palaro

Basketball program ng Altas produktibo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Basketball program ng Altas produktibo
Ang tatlong MVP na produkto ng basketball pogram ng Perpetual Help na sina (mula kaliwa) Bright Ahkuetie (MVP UAAP Season 81 ); Scottie Thompson (2018 MVP Commissioner’s Cup) at Prince Eze (MVP NCAA Season 94th).

Nagbunga ng 3 MVPs

MANILA, Philippines — Naging matagumpay para sa basketball program ng University of Perpetual Help  Altas ang taong 2018.

Ipinagmamalaki ng Altas ang pagkakaroon ng tatlong Most Valua­ble Pla­yer sa taong ito sa pangu­nguna ni dating player Bright Akhuetie na naging kauna-unahang foreign player ng University of the Philippines na binigyan ng MVP award sa Season 81 ng UAAP.

“We congratulate our former Perpetual student and athlete Bright Ahkuetie for his accomplishments,” ani NCAA policy board chairman at UPHSD President Anthony Moran-Tamayo.

Ang ikalawang MVP ng Altas ay ang 6’11 center na si Prince Eze, ang MVP ng 94th Season ng NCAA.

Tinalo ng Nigerian na si Eze sina Bong Quinto ng Letran at San Beda teammates Robert Bolick, Javee Mocon at Cameroonian Donald Tankoua.

Sina Quinto, Mocon at Bolick ay umakyat na sa professional league pagkatapos ng kanilang career sa NCAA.

Si Scottie Thompson naman na tubong Padada, Davao del Sur ay naging Finals MVP sa nakaraang 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos igupo ng Barangay Ginebra Kings ang San Miguel Beermen sa best-of-seven Finals.

Naging MVP din ang 6’1 guard na si Thompson sa NCAA noong Season 90 nang siya ay naglalaro pa sa UPHSD Altas.

Ang Altas ay pumasok rin sa Final Four sa NCAA Season 94 kahit isang taon pa lamang na hinawakan ni coach Frankie Lim.  

MVP AWARD SA SEASON 81 NG UAAP

PERPETUAL HELP ALTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with