Fronda, Frayna may pag-asa pa sa Top 10

Tinalo ng 24-anyos na si Fronda si WGM Hoang Thi Bao Tram ng Vietnam habang tumabla si WGM Frayna kay WFM Dita Karenza ng Indonesia upang umangat sa 11th spot matapos ang 8th round sa event na ginanap noong Lunes ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.

MANILA, Philippines — Sa mga Filipino campaigners, tanging sina Woman IM Jan Jodilyn Fronda at WGM Janelle Mae Frayna ang may pag-asa pang pumasok sa top 10 ng 7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup).

Tinalo ng 24-anyos na si Fronda si  WGM Hoang Thi Bao Tram ng Vietnam habang tumabla si WGM Frayna kay WFM Dita Karenza ng Indonesia upang umangat sa 11th spot matapos ang 8th round sa event na ginanap noong Lunes ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.

Bamaga’t mas mataas ang rating ni Hoang, hindi nagpatinag si Fronda tungo sa malaking panalo laban sa Vietnam Individual tournament champion.

Sina Fronda at Frayna ay kapwa kasama sa 10-player logjam sa 11th place sa parehong 4.5 puntos pagkatapos ng  8th round ng nine-round event na sinu­suportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.

Masayang-masaya ang 2139 rated player na si Fronda sa panalo dahil nakabawi agad siya matapos matalo kay 13th seed WGM Nguyen Thi Thanh An ng Vietnam sa seventh round.

Hangad ni Fronda na manalo kay  IM Guo Qi ng China sa huling laban habang asam din ni Frayna ang panalo kontra kay  WGM Nguyen Thi Thanh An ng Vietnam sa 9th round upang makapasok sa top 10 ng torneo.

Show comments