Doroy pinuwersa ang Indon IM sa draw

Nanatili si Doroy sa top 10 sa women’s division sa kanyang draw sa 18th seed Indon na hawak ang mataas na 2215 rating sa nine-round tournament na sinusuportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.

MANILA, Philippines — Lalong lumakas ang kampanya ni 17-anyos Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy ng Pilipinas makaraang tumabla kay Woman IM Dewi Ardhiano Anastasia Citra ng Indonesia sa fifth round ng  7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) women’s division noong Biyernes ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.

Nanatili si Doroy sa top 10 sa women’s division sa kanyang draw sa 18th seed Indon na hawak ang mataas na 2215 rating sa nine-round tournament na sinusuportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.

Si Doroy na isang student-athlete ng National University ay nakakuha na ng kabuuang tatlong puntos para makisosyo kasama ang anim na iba pa sa 10th spot sa likuran ng nangungunang si  IM Ruot Padmin ng India (4.5 points) at  pumapangalawang si Woman Grandmaster Gong Qianyun ng China (4 points).

  Nagwagi rin si Catherine Secopito laban kay WFM Cherry Ann Mejia habang pinataob naman ni WIM Jodilyn Fronda si Christy Lamiel Bernales para sa kanilang 2.5 puntos, mahigit .5 puntos lamang ang agwat mula kay Doroy sa ibang laro sa women’s division.

Show comments