Barriga ‘di umubra kay Licona
MANILA, Philippines — Litaw na litaw ang kakulangan ni Mark Anthony Barriga sa eksperyensa pagdating sa mga bigating laban.
Nabigo si Barriga na makamit ang bakanteng International Boxing Federation mini flyweight crown matapos matalo kay Mexican-American Carlos Licona (14-0, 2 KOs) via split decision kahapon sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Kumolekta si Licona ng 115-113 points mula sa dalawang judges habang nabigyan si Barriga ng 115-113 ng isang judge.
Nalasap ng 25-anyos na tubong Danao, Cebu ang kanyang unang kabiguan sa batang-batang professional career.
Kumampanya noong 2012 Olympic Games sa London, sumuntok si Barriga (9-1-0, 1 KO) ng gold medal noong 2013 Southeast Asian Games at kumolekta ng bronze medal noong 2014 Asian Games.
Umaasa si Barriga na muling mabibigyan ng pambihirang pagkakataon para sa isa pang championship fight.
Sinabi ni trainer Joven Jimenez na bibigyan niya ng sapat na panahon si Barriga para magpahinga bago muling sumabak sa kanilang training camp sa susunod na taon.
Tuluyan namang inangkin ng 23-anyos na si Lincona (14-0, 2 KOs) na ginabayan ni 2012 BWAA Trainer of the Year Robert Garcia, dating cornerman ni Nonito 'The Filipino Flash' Donaire Jr., ang nasabing IBF mini flyweight belt.
- Latest