NU Pep Squad wagi sa cheerdance
MANILA, Philippines — Bumangon mula sa hukay ang National University Pep Squad para muling magkampeon sa UAAP Cheerdance Competition kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Nakamit ng NU Pep Squad, tumapos sa ikaapat na puwesto nong nakaraang taon, ang kanilang pang-limang titulo sa huling anim na taon.
Ibinulsa ng NU ang premyong P50,000 kasunod ang Far Eastern University Cheering Squad (P30,000) at 2017 champions na Adamson Pep Squad (P20,000).
Ibinandera ng Sampaloc-based cheerdancers ang Mexican holiday of Día de los Muertos o ang “Day of the Dead” mula sa isang 2017 animated film.
Pinahanga ng NU Pep Squad ang mga fans sa kanilang mga stunts, transitions at three-tier pyramids.
Ginamit ng FEU ang 1970’s inspired routine at itinampok ng Adamson ang isang Lion King-themed performance.
- Latest