MANILA, Philippines — Malakas ang tiwala ng nagdedepensang Adamson University Pep Squad na masusungkit ang ikalawang sunod na titulo ngayon sa Season 81 UAAP Cheerdance Competition sa MOA Arena.
Ang reigning champion ay huling sasalang sa 8-team competition alinsunod sa tradisyon ng UAAP. Mauna muna ang University of the East sa order of performance kasunod ang University of the Philippines Pep squad at University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe.
Agad na susundan ng De La Salle University Animo squad at pang-lima ang National University. Pang-anim na magtatanghal ang Ateneo Blue Babble Battalion at susundan ng Far Eastern University Cheering squad.
Kumpiyansa ang Adamson Pep Squad matapos ang kanilang tagumpay sa Asian Cheerleading Invitational Championship na ginanap sa Singapore noong Marso 31 kung saan nag-uwi sila ng tatlong gintong medalya at isang silver.
Dinomina ng Adamson ang continental competitio--ang pom event, open group stunt coed premiere at open group stunts coed elite division.
Ang kanilang silver medal ay mula sa open coed premiere division. (FC)