MANILA, Philippines — Mapapanatili ba ni guard Kyles Lao ang bangis sa paglalaro para sa Manila Stars?
Ipinakita ng dating kamador ng University of the Philippines na makakatulong siya sa kampanya ng Stars sa 2018 Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Sa 60-59 paglusot ng Stars laban sa Zamboanga Valientes ay humataw ang 23-anyos na si Lao ng 12 points mula sa magandang 5-of-8 fieldgoal shooting para kay coach Philip Cezar.
“That has been my approach ever since, to be ready to play and contribute every time coach gives me the playing time,” ani ng 5’10 na si Lao. “I just play my game and give it my best.”
“I’m very thankful to coach Philip for his trust and confidence, as well as my teammates. I’ll just continue to play my game and keep aggressive in our next games as we aim for a playoff berth,” dagdag pa ng MPBL rookie na may mga averages na 7.0 points, 2.0 rebounds at 2.0 assists sa liga.
Nagsalpak ang dating UAAP Rookie of the Year ng back-to-back jump shots, kasama ang mahirap na step back jumper na nagbigay sa Stars ng 56-55 abante laban sa Valientes sa huling 3:16 minuto ng fourth period.
Umangat ang record ng Manila squad sa 10-2 sa Northern Division at sinabi ni Cezar na bibigyan niya si Lao ng mahabang playing time.