2 Pinoy pugs kakasa sa ginto

Nakasikwat din ng silya sa finals si Marvin Tabamo makaraang payukuin nito si Istvan Szaka ng Hungary via unanimous decision win sa semifinals ng men’s flyweight 52 kg. category.
File

MANILA, Philippines — Magtatangkang humirit ng gintong medalya ang dalawang Pinoy pugs na nakapasok sa finals ng 39th International  Tammer Boxing Tournament na ginaganap sa Tampere, Finland.

Nakasikwat din ng silya sa finals si Marvin Tabamo makaraang payukuin nito si Istvan Szaka ng Hungary via unanimous decision win sa semifinals ng men’s flyweight 52 kg. category.

Target ni Tabamo na masikwat ang ginto sa pagharap nito kay Kirill Serikov ng Estonia sa finals.

Awtomatikong umusad sa finals si Serikov matapos makahirit ng bye.

Tatlong boksingero lamang ang nakalinya sa ka­nilang dibisyon kaya’t masu­werteng umabante agad sa finals si Serikov.

Makakasama ni Tabamo na kakampanya sa finals si Ramel Macado Jr. na nauna nang nakapagbulsa ng tiket sa finals ng men’s light flyweight division (46-49 kg.).

Makakalaban ni Macado si Aqeel Ahmed ng Scotland sa gold-medal match.

Pasok agad sa finals sina Macado at Ahmed dahil dalawang boksingero lamang ang lumahok sa kanilang kategorya.

Sa kabilang banda, bigong umusad sa finals si Ryan Boy Moreno sa men’s bantamweight 56 kg.).

Umani si Moreno ng split decision loss kay Enzo Grau ng France sa hiwalay na semis game dahilan upang magkasya ang Pinoy pug sa bronze. (CCo)

Show comments