Ateneo muling kinuha ang solong liderato

Nagtala si Thirdy Rave­na ng 20 points, 10 rebounds, 1 assist at 2 steals para iangat muli ang Ate­neo sa solo top spot sa 6-2 kartada at ibaon ang Figh­ting Maroons sa 3-5 mar­ka.
.facebook.com/AteneoSolid

MANILA, Philippines — Sumandal ang Ateneo Blue Eagles sa matatag na depensa upang patumba­hin ang University of the Phi­­lippines Fighting Maroons, 83-66, sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala si Thirdy Rave­na ng 20 points, 10 rebounds, 1 assist at 2 steals para iangat muli ang Ate­neo sa solo top spot sa 6-2 kartada at ibaon ang Figh­ting Maroons sa 3-5 mar­ka.

Bukod kay Ravena ay nagdagdag din ng 12 points, 2 rebounds at 5 assists si  Tyler Tio, habang may 10 markers si Raffy Ve­­­rano.

Dalawang iba pang Blue Eagles sa pangunguna nina Angelo Kouame at Jo­lo Mendoza ang umiskor din ng tig-10 points. 

Nasungkit naman ng Uni­versity of Santo Tomas Growling Tigers ang ikatlong sunod na panalo ma­tapos padapain ang Far Eas­tern University Tamaraws, 78-70, para umangat sa 4-4 kartada.

Matapos lumapit ang Ta­maraws sa 55-54 ay agad umarangkada ang tro­pa ni coach Aldin Ayo ng 10-0 run upang lumayo sa 65-54 sa 3:55 minuto sa fourth period.

Nauna nang tinalo ng UST ang FEU, 76-74, sa first round noong Setyembre 12.

Umiskor si Zach Huang ng 20 points, 6 re­bounds, 1 assist at 1 steal, habang si Marvin Lee ay tumapos ng 17 markers, 5 assists at 2 steals.

Nagposte naman ng 14 points, 2 rebounds at 2 assists mula kay Renzo Su­­bido para sa España-based team.

Pinamunuan ni Ri­chard Escoto ang Tamaraws mu­la sa kanyang 12 points ka­sunod ang 11 markers ni Arvin Tolentino.

Show comments