^

PSN Palaro

Tamaraws tinakasan ang Falcons sa OT

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Tamaraws tinakasan ang Falcons sa OT
Umangat si Papi Sarr ng Adamson laban kay Prince Orizu ng FEU.
(Kuha ni Ernie Peñaredondo)

MANILA, Philippines — Sinayang ng Far Eas­tern University ang itina­yong 17-point lead, ngunit bu­mawi sa overtime period para makaeskapo ng 88-85 panalo laban sa Adamson University kahapon sa Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtulung-tulong sina Ri­­chard Escoto, Hubert Ca­ni at Kevin Ebona sa extension upang masungkit ng FEU ang panalo at umangat sa 4-2 kartada.

Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang Tamaraws sa kanyang 19 points, 4 re­bounds at 2 assists kahit na­sibak sa fourth quarter dahil sa flagrant foul, habang si Cani ay tumulong ng 14 markers, 4 rebounds at 2 assists.

Sa kabiguang mapanatili ang malinis na kartada ay bu­maba ang Adamson ka­sosyo ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles sa parehong 5-1 baraha.

Nasungkit naman ng Uni­­ver­sity of the Philippines Fighting Maroons ang ikat­long panalo matapos ma­katakas sa National Uni­versity Bulldogs, 89-88.

Nag-ambag sina Juan Go­mez at Javi de Liaño ng pinagsamang 39 points pa­ra iangat ang UP sa ikaapat na puwesto kasama ang La Salle sa parehong 3-3 kartada sa ilalim ng Adamson (5-1), Ateneo (5-1) at FEU (4-2).

FAR EAS­TERN UNIVERSITY

SEASON 81 UAAP BASKETBALL T

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with