Pinoy chessers laglag sa Vietnam
MANILA, Philippines — Sumuko ang Philippine men’s team sa Vietnam, 1-3 at nabigong makapasok sa Top 10 sa pagtatapos ng 43rd World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia noong Biyernes ng gabi.
Si International Master Jan Emmanuel Garcia ang nakaiskor ng panalo laban kay Grand Master Tran Tuan Minh sa third board, habang yumukod naman sina GMs Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez at IM Haridas Pascua kina GMs Le Quang Liem at Nguyen Ngoc Truong Son at IM Nguyen Anh Koi sa first, second at fourth boards, ayon sa pagkakasunod.
May kabuuang 14 match points ang mga Pinoy chessers para makasama sa 14-country logjam sa 25th spot at 37th overall matapos gamitin ang tiebreaks.
Samantala, natalo ang mga Pinay chessers sa mga Australians, 1-3, at nahulog sa 67th place, mas malayo sa 34th place finish ng grupo sa Baku noong 2016.
Ang China naman ang namayani sa men’s at women’s divisions sa nasabing torneo.
- Latest